BABAENG ASSET NILIKIDA

shoot

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang babaeng asset ng mga pulis makaraang barilin ng isang hinihinalang hitman sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Napatay naman ng mga nagrespondeng pulis ang suspek nang ito ay makipagbarilan habang papatakas sa crime scene.

Kinilala ang biktima na si Lyza Pelante Cunanan, 38, residente ng Barangay Parian, Calamba, habang nakilala rin ang suspek sa pamamagitan ng TIN ID na nakuha dito na si Mauro Atienza Sandoval Jr.,40, residente ng Sitio Mckinley, Barangay San Francisco, Victoria, Laguna.

Ayon kay Superintendent Harold Depositar, hepe ng Calamba police, si Cunanan ay dating drug addict na naging volunteer police asset na siyang naging daan  para maaresto ang ilang mga bigtime pusher sa Calamba City at mga karatig lungsod at bayan.

Posible umanong benggansa laban sa biktima ang siyang motibo sa krimen.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas 10:20 ng gabi nang pagbabarilin ng suspek ang biktima at ang kasama nitong  si  Bryan Gelilio Alcasabas sa may tabing riles sa   Sitio Ilaya, PNR Site, Brgy. Parian.

Dead on the spot si Cunanan samantalang sugatan naman si Alcasabas.

Papatakas na ang  suspek nang masabat ito ng mga magreresponding pulis.

Nagkaroon ng maiksing barilan na humantong sa pagkapatay sa suspek.

Narekober dito ang isang kalibre 45 baril na ginamit nito sa pamamaril.

Related posts

Leave a Comment