BABAENG ANAK NG EX-MAYOR TIGOK SA PAMAMARIL

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang 53-anyos na babae na anak ng dating mayor  matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Calamba City, Linggo ng hapon.

Mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Maria Rosario Delmo Tan, residente ng Barangay 6.

Ang biktima na isa ring negosyante at nagmamay-ari ng sabungan sa lungsod ay anak ng dating mayor ng Calamba City na si Salvador Delmo.

Batay sa report ng Calamba City police, pahinto na ang sinasakyang Toyota Fortuner ng biktima sa harap ng kanilang bahay nang lumapit ang gunman at walang habas na paputukan ang biktima na nakaupo sa passenger seat ng SUV alas-5:30 ng hapon.

Nahagip din ng mga bala ang driver nito na si Allan Salarila Valenzuela.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang salarin matapos ang insidente.

Agad isinugod ang dalawa sa Calamba Medical Center subalit nalagutan din ng hininga ang biktima makalipas ang isang oras habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung ano ang motibo at kung sino ang suspek at ang nasa likod ng krimen.

 

Related posts

Leave a Comment