BABAE PATAY SA LIVE-IN PARTNER

crime22

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang babae nang barilin ng kinakasama matapos ang mainitang pagtatalo , sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Linggo ng madaling araw.

Ang biktimang si Angela Shynne Villanieva, 24,  ay isinugod pa sa pagamutan ng suspek na si Joel Tongco, 42, driver, at residente ng Block 56 Lot 9, Bagong Nayon 2, Barangay San Isidro, ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa katawan.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Antipolo City Police na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa Block 9 Lot1, Phase 1, Barangay San Isidro.

Ayon kay Lang Bonite, 27, nakasaksi sa krimen, narinig pa niyang nagtatalo ang mag-live in partner hanggang sa makarinig na lamang ng putok ng baril.

Nang alamin ang pinagmulan ng putok, nakita pa umano ng testigo ang suspek habang buhat-buhat ang duguang biktima na isinakay nito sa isang tricycle at saka isinugod sa pagamutan.

Kaagad namang ipinaalam ng testigo sa mga kaanak ng biktima ang pangyayari at humingi ng tulong sa pulisya.

Inaresto ni Pat. Marvin Ibasco ng Antipolo Police ang suspek at ikinulong.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver na may live ammunition at isang basyo ng bala.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment