BABAE BINISTAY NG 2 GUNMAN

shooting6

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang babae nang paulanan ng bala ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Tanay, Rizal, Linggo ng gabi.

Wala nang buhay nang idating sa Tanay General Hospital ang biktimang si Danica Manuel, residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas ang mga hindi kilalang salarin.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng Sampaloc Road, sa Barangay Plaza Aldea, Tanay, nang bigla na lang lapitan at kaagad na pagbabarilin ng mga suspek, dakong alas-9:30 ng gabi.

Kaagad tumakas ang mga salarin patungong direksiyon ng Sitio Lubigan, bitbit ang mga armas na ginamit sa pagpatay matapos bumagsak ang biktima.

Naisugod pa ng mga saksi sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para matukoy ang motibo sa pagpatay, at kung sino ang mga taong nasa likod ng pamamaslang.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment