BABAE HINIGOP NG IPO-IPO NATAGPUANG PATAY SA BANGIN

DIGOS City – Patay ang isang babae makaraang mahulog sa bangin nang tangayin ng ipo-ipo ang sinasakyang motorsiklo noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Kristelle Ann Abapo, 24-anyos.

Ayon sa mga saksi, mabagal lamang ang takbo ng motorsiklo na sinasakyan ni Abapo ngunit pagdating sa Brgy. Cogon nang biglang humampas ang malakas na hangin kaya sumabit sa nakalaylay na kable ang biktima bago nahulog sa bangin.

Samantala, nakaligtas ang driver ng motorsiklo na si Froilan Ladio ngunit nahihirapang lumakad dahil sa mga sugat sa kanyang katawan.

Malaki ang kanyang pasasalamat na hindi kable ng kuryente ang sinabitan ng motorsiklo kung hindi maging siya ay namatay rin sa insidente.

Inabisuhan ng City Disaster Risk Reduction Management Office-Digos ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na kung malakas ang hangin para makaiwas sa disgrasya.

Ayon kay PAGASA-Davao chief meteorological officer Lolita Vinalay, posibleng gusty winds hatid ng localized thunderstorm ang naranasan sa bahagi ng Digos City noong Sabado. (DONDON DINOY)

 

Related posts

Leave a Comment