AWOL NA SUNDALO KALABOSO SA SHABU

shabu300

BULACAN – Natimbog sa ikinasang buy-bust operation ang isang AWOL (absent without official leave) na sundalo ng Philippine Army (PA) sa Barangay Pulong Gubat, sa bayan ng Balagtas sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni Bulacan PNP acting director P/Col. Emma Libunao ang arestadong suspek na si Jomel Cordez, 38, may-asawa, tubong Camarines Sur at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-11:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng Bulakan Police at Balagtas Police.

Hindi na nakapalag ang suspek nang agad siyang posasan ng mga operatibang nagpanggap na buyer ng ilegal na droga.

Ayon kay Libunao, nakuha sa posesyon ng suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nakapiit sa Bulakan Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya. (ELOISA SILVERIO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment