AWAY SA PERA MOTIBO SA MENDOZA SLAY?

Edgar Mendoza

KINUMPIRMA ni PNP-Criminal Investigation and Detection Gorup (CIDG) director P/BGen. Joel Coronel, hawak na nila  ang limang suspek sa pagpatay kay dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza.

Ang bangkay ni Mendoza ay natuklasang sinunog sa loob ng isang kotse kasama ang driver at isang body guard nitong sina Ruel Ruiz at Nicanor Mendoza sa Tiaong, Quezon noong Enero 9.

Gayunman, tumanggi si Coronel na i-detalye kung ano ang direktang partisipasyon ng mga suspek sa pagpatay kay Mendoza at sa dalawa pa nitong kasama, habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang limang suspek at nangangalap pa sila ng dagdag na matitibay na mga ebibensya laban sa mga ito.

Isa sa titingnang motibo ng pagpatay sa dating kongresista at sa dalawa pang kasama nito ay away sa pera at legal dispute, ayon kay Coronel

Si Mendoza ay huling nakitang buhay noong Enero 8, kasama ang kanyang driver at body guard, isang araw bago mangyari ang krimen.

Posibleng maharap sa kasong three counts ng murder ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng CIDG. (NICK ECHEVARRIA)

Related posts

Leave a Comment