AWAY SA LUPA: MISIS BINOGA NI MISTER, PATAY 

gensan12

(NI ANNIE PINEDA)

PARA makuha ang mas malaking parte ng lupa, binaril at napatay ng isang mister ang kanyang misis nang hindi ito pagbigyan ng huli na makuha ang malaking parte ng lupa na kanilang pag-aari, iniulat kaninang umaga sa probinsiya ng General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Faith Tiwado, 56, habang tugis ang suspek at asawa nitong si Edi Tiwado, at kapwa residente ng sa Sitio Cawayan, Brgy. Lower Mainit, Malungon, Sarangani Province.

Batay sa report ng Malungon Police Station, natagpuan na lamang ang biktima sa kanilang bahay na tadtad ng tama ng baril sa dibdib at katawan at wala nang buhay.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal ng hindi nagkakaunawaan ang mag-asawa at pinagtatalunan ang hatian sa lupa na umabot na sa korte at hindi sumipot ang suspek sa mga pagdinig.

Nabatid, nagtalo umano ang mag-asawa sa kanilang bahay dahil gusto umano ng suspek na mas malaki ang parte nitong makukuha sa mga anak at asawa subalit hindi pumayag ang biktima dahilan para pagbabarilin ito saka tumakas ang suspek.

Sa pagresponde ng pulisya, tumakas na ang suspek at nakakuha ng mga basyo ng mula sa .45 kalibre na baril at 9mm pistol na pinaniniwalaan ginamit ng suspek sa krimen.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek at patuloy na pinaghahanap.

Related posts

Leave a Comment