AWAY SA 5-6 NG MAGTIYUHIN; INDIAN NATIONAL PINATAY 

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa negosyo nilang pautang o 5/6 binaril at napatay ang isang Indian national matapos tambangan ng mga armadong suspek kung saan itinuturong utak sa pagpatay ang sarili nitong tiyuhin, sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Ravineter Singh habang nadakip naman ang tiyuhin at suspek na kinilalang si Gurpeet Singh, kapwa residente ng San Jose del Monte Bulacan.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Brgy. Sto. Cristo, SJDM, Bulacan, katatapos lamang maningil ng biktima sa mga pautang .

Kuwento ng kinakasama ni Ravinter na si Charlene Pangilinan, bigla na lamang silang hinarang ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo at pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay saka mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, away sa negosyo ang motibo sa pamamaril kung saan dati na umanong sigalot ng magtiyuhin dahil sa pautang.

Nakatakda naman sampahan ng kaso ang suspek.

 

Related posts

Leave a Comment