AWAY-PAMILYA: MAG-AMANG KAGAWAD ITINUMBA

SOCO-3

(NI ANNIE PINEDA)

ALITAN sa pamilya ang isa sa tinitingnan na motibo ngayon ng mga otoridad sa pagpatay sa mag-amang barangay kagawad matapos tambangan at pagbabarilin ng mga suspek na naka-motorsiklo, nitong Huwebes sa Negros Oriental.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Felipe Condez, 60, at Jonesis Condez, 31, kapwa ng Sitio Napac-an, Brgy. Kalumbuyan, Bayawan City, Negros Oriental.

Batay sa report ng Negros-PNP, naganap ang insidente sa Brgy. Kalamtukan ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, galing sa pamamalengke ang mag-ama sa Bayawan City at pauwi na sana ang mga ito nang sundan ng suspek na nakamotor.

Pagdating sa nasabing lugar, pinaulanan ng bala mula sa Armalite M-16 at cal. 45 ang mga biktima.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-ama na agad nilang ikinamatay habang mabilis na tumakas ang suspek na nakatakip ang mukha kaya hindi ito namukhaan ng ilang saksi.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakarekober ng mga basyo sa lugar. Sinabi pa ng pulisya, na persons of interest nila ngayon ang kapatid ng biktimang si Condez dahil may hidwaan ang kanilang pamilya.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment