ASG VS MILITAR: 7 PATAY, 22 SUGATAN

abu sayyaf12

(NI JG TUMBADO)

PITO ang patay kabilang ang apat na miyembro ng ISIS terror link na Abu Sayyaf Group (ASG) at tatlong sundalo sa panibagong engkuwentro na naganap sa Patikul, Sulu araw ng Biyernes.

Bukod sa bilang ng mga nasawi, 9 na terorista at nasa 13 sa panig ng militar ang nasugatan.
Nabatid kay Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, nakasagupa ng tropa ng 5th Scout Ranger Battalion ang nasa 80 miyembro ng terorista sa pamumuno ni Hatib Hajan Sawadjaan sa bahagi ng Sitio Atol, Barangay Latih bandang 6:50 ng umaga.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan sa bahaging bundok ng nasabing lugar.

Dinala na ang mga nasawing sundalo sa military station sa Jolo sa pamamagitan ng Air Force UH-1H choppers.
Isinagawa ang combat operations bilang bahagi ng JTF Sulu sa patuloy na pagtugis sa mga teroristang nasa likod ng pag atake sa mga guro sa Barangay Kan-Agi, Patikul nitong nakalipas na Abril 2.

Related posts

Leave a Comment