ARI TINURUKAN NG BABY OIL;  LALAKI MALUBHA 

(NI JG TUMBADO)

ISANG  ex-convict ang nakaratay ngayon sa ospital bunsod ng pamamaga ng kanyang ari na tinurukan ng baby oil may isang taon na ang nakalilipas sa lalawigan ng Aklan.

Laking pagsisisi ng 26-anyos na si alyas “Dexter” sa kanyang sarili at dahil sa pag-aakalang makadaragdag ito ng kumpiyansa sa kanyang pagkalalaki sa halip ay nasa balag ng alanganin ang buhay nito.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital si Dexter dahil sa sobrang kirot na nararanasan at pamamaga sa kanyang ari.

Nabatid na isang taon na ang nakalipas nang turukan ng kanyang kapwa preso si Dexter ng baby oil sa kanyang ari habang nakakulong ito sa Aklan Rehabilitation Center (ARC), dahil sa kasong illegal possession of deadly weapon.

Ayon kay Dexter, sa unang araw ng kanyang pagpasok sa piitan ay pumayag siyang magpaturok ng “baby oil” bilang bahagi umano ng initiation rites sa mga baguhang preso.

Subalit, nitong nakaraang araw lamang ay nakaranas na ng pananakit ng kanyang ari si Dexter at nilagnat rin ito ng tatlong araw dahilan para dalhin na ito sa nasabing ospital.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor, naimpeksiyon ang ari ni Dexter at namamaga na ito ng halos kasing-laki na ng lata ng sardinas.

Sinabi pa ni Dexter na pinaniwala siyang dodoble ang size ng kanyang ari kapag tinurukan ito ng baby oil.

Problema ngayon ng lalaki ang kanyang kalagayan dahil wala siyang maituro kung sino ang nagturok sa kanya kung saan ang dati nitong mga kakosa ay inilipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment