ARI NG PASLIT GINILITAN NG MAY ‘SAYAD’

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUAN ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos gilitan ang ari nito ng lalaking may sayad nang pumasok sa loob ng kanilang bahay, sa probinsya ng Aklan.

Ginagamot sa ospital ang 2-anyos na biktima na hindi pinangalanan habang nadakip naman ang suspek na kilala sa pangalan ‘Nonoy’, at kapwa residente ng Purok 2, C. Laserna, Poblacion, Kalibo, Aklan.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Kuwento ng ama ng biktima, umalis lamang siya saglit at iniwang tulog ang anak nito.

Subalit hindi niya akalaing gagawin ng suspek na saktan ang anak dahil madalas naman itong tumutungo sa kanilang bahay at humihingi ng pagkain at kanya naman itong binibigyan.

Ayon sa mga residente, nagulat na lamang sila nang makita ang suspek na may mga dugo ang kamay at narinig ang malakas na iyak ng bata kaya kanila itong tinignan.

Dito na nila nakitang malakas ang dugo na lumalabas sa ari ng bata at agad na dinala sa ospital at masuwerteng hindi naputol ang ari nito .

Pagsapit ng alas 4:00 ng hapon nadakip ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

 

Related posts

Leave a Comment