ARA EXCITED TO WORK WITH COCO AGAIN

leo bukas(NI LEO BUKAS)

PASOK na rin si Ara Mina sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ito ang excited na ibinalita sa amin ng multi-awarded actress habang nagti-taping siya ng longest running teleserye ng bansa. Ayon pa kay Ara, dream come true ang paggi-guest niya sa Ang Probinsyano dahil matagal niya rin itong ipinagdasal.

Mensahe sa amin ni Ara thru her Instagram account na @therealaramina: “Honestly, matagal ko nang pinagdarasal na makapag-guest dito. Then nung nakausap ko si Coco before magsimula ang Araw Gabi,  sinabi ko sa kanya na sana makapag-guest ako. Tapos hanggang sa natapos na ang Araw Gabi, nagkita kami sa ABS-CBN Ball, sabi ko patapos na ang Araw Gabi, puwde na ako mag-guest.”

Patuloy ng aktres, “Siguro nakahanap sila ng role na babagay para sa akin. So, one year na yung Araw Gabi at eto na nga, nakapasok rin ako. Answered prayer talaga ang nangyari.”

Para sa aktres,  isang magandang Christmas gift na maging part siya ng FPJAP kahit guesting lang.

“Maraming salamat sa magandang Pamasko sa akin at siyempre maganda rin ang pagpasok ng taong 2020,” sambit pa niya.

“Alam naman nating lahat na kahit sinong artista, gustong maging part ng Probinsyano, gustong mapanood sa nangungunang series sa TV, and I’m also one of them. Going on fourth year na ang FPJAP, history na yan sa TV, so ang sarap at nakaka-proud maging part ng ganitong milestone, di  ba?

“Siyempre, hindi ko alam until when magtatagal yung character ko, but for me, mas nangingibabaw yung thankful ako sa chance na ibinigay sa akin.  Thank you so much kay Coco, Sir Deo (Endrinal) at sa Dreamscape sa pagbibigay ng opportunity sa akin na makapasok dito sa FPJAP,” very grateful niyang pahayag.

Mataray, mukhang pera at matapobreng Ara Mina ang mapapanood ng televiewers sa FPJAP. She will play the role of Tirso Cruz III’s third wife named Ellen Padua.

“Well, nakaka-miss din na gumawa ulit ng soap opera at mag-taping. Yung pag-arte, it’s really a passion for me na hinahanap-hanap ko talaga. Hindi ko na-imagine ang sarili ko na hindi nagte-taping or nagsusyuting kahit pa matanda na ako. And kahit gaano ako ka-busy sa Hazelberry Café,  I really find time talaga to accept taping assignments,” lahad pa ni Ara.

Matagal na nang huling makatrabaho ni Ara si Coco kaya natutuwa siya na finally, muli silang magkakatrabaho.

Aniya, “Si Coco naman, di naman nagbago since nung huli kaming nagkasama bilang magkapatid sa Ligaw Na Bulaklak. Kaya nakakatuwa dahil after 11 years makakatrabaho ko siya uli. Ang nabago lang sa kanya ngayon, mas nag-gain niya yung respeto ng mga taga-showbiz industry kasi director and producer na rin siya at the same time.”

Bukod kay Ara at Tirso, papasok din sa FPJAP sina Rhen Escano at Jerald Napoles.

 

Related posts

Leave a Comment