RADIO ANCHOR PATAY SA AMBUSH 

CRIME12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang miyembro ng mamamahayag makaraan tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, Miyerkoles ng gabi sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktimang si Eduardo ‘Ed’ Dizon, anchorman ng Brigada News FM-Kidapawan City, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kanyang kotse .

Pauwi na si Dizon nang tambangan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit .45 kalibre na baril.

Nang makitang duguan na ang biktima ay tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Kidapawan City .

Isinugod sa ospital ang biktima pero nalagutan rin ito ng hininga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo at isa na rito ang tinitignan anggulo kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang krimen.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment