ANAK NG SAMAR MAYOR DAKIP SA MURDER

ARRESTED-2

CAVITE – Tapos na ang halos limang taong pagtatago ng anak ng alkalde sa Samar dahil nahuli siya ng pulisya sa Imus City ng lalawigang ito kanina.

Si Francis Grey, residente ng Balihai Subd., Brgy. Buhay na Tubig, Imus City ay nadakip ng iba’t ibang yunit ng pulisya dakong 1:30 a.m. Hindi pumalag si Grey.

Si Grey ay hinuli dahil sa kasong pagpatay kay Brgy. Captain Romulo Barcoma noong Pebrero 2013 sa Samar. Pagkatapos ang krimen, nagtago na si Grey.

Siya ay nadakip sa bisa ng “warrant of arrest” na inisyu ni Judge Feliciano P. Aguilar ng Samar Regional Trial Court.

Si Grey ay anak ni San Jeorge, Samar Mayor Joseph Grey.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment