ANAK NAPATAY NG TATAY NA PULIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang dalaga nang barilin ito ng kanyang sariling ama na kasapi ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magkaroon ng sagutan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Dumaguete City.

Kinilala ang biktimang si April May Ricaña Ege, 22, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si PSSG Levi Ege, 54 ,nakatalaga sa Dumaguete City Police Station at kapwa residente ng Purok Boguinvilla, Sitio Canday-ong, Brgy. Calindagan, Dumaguete City .

Batay sa report ng Dumaguete Police Station, dakong ala 1:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat, dumating ang suspek sa kanilang bahay galing sa trabaho saka kumain ng tanghalian.

Ilang saglit, nagkaroon umano ng sagutan ang mag-ama hanggang sa barilin ng suspek ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Kaagad naman rumesponde ang mga kasamahan pulis ng suspek at dinakip ito na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide.

Nakuha sa suspek ang service firearm nitong 9MM na baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Related posts

Leave a Comment