ANAK KRITIKAL SA SAKSAK NG AMA

aklan12

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang anak nang pag-uundayan ito ng saksak ng kanyang sariling ama dahil sa sinitang bitbit na kutsilyo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang biktimang si Josegani Santillan, Jr, 25, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Josegani Santillan, Sr., 60, kapwa residente ng Sitio Laguna, Brgy. Union, Nabas, Aklan.

Batay sa report ng Nabas Police Station, pauwi na ang mag-ama galing inuman nang sitahin umano ng batang Santillan ang matanda tungkol sa dala nitong kutsilyo.

Sa halip na itabi ng matandang Santillan ang dala nitong patalim, itinarak niya sa kanyang anak na tinamaan sa tiyan, dibdib, balikat at mga kamay.

Nagtulung-tulong naman magkakapitbahay na dalhin sa Aklan Baptist Hospital ang biktima para lapatan ng paunang lunas at kalaunan ay inilipat din sa Aklan Provincial Hospital at patuloy na inoobserbahan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Related posts

Leave a Comment