‘ANAK-ANAKAN’ SINAKSAK  NG NABURYONG NA AMAIN

stabbing1

(NI JG TUMBADO)

SUGATAN ang isang 21-anyos na lalaki makaraan itong saksakin ng naburyong na amain sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Nagtamo ng isang malalim na sugat sa braso ang biktima na nakilalang si JP Ayad, naninirahan sa Barangay Baginay habang tinutugis na ng mga awtoridad ang kanyang amain na suspek na si Roberto Pitan.

Nabatid sa report na nag-ugat ang krimen dahil sa hindi naiparada nang maayos ng biktima ang motorsiklo ng suspek na nakaharang sa labas ng gate ng kanilang bahay na bagay na ikinainis ng suspek na napag-alamang lasing sa alak.

Agad umanong sinugod ng amain ang kanyang anak-anakan at inundayan ito ng saksak gamit ang “bente-nuwebe” na patalim.

Samantala nanawagan sa suspek ang mga kaanak nito na sumuko na sa pulisya dahil napatawad na ito ng biktima sa ginawang krimen.

Related posts

Leave a Comment