AMBULANSIYA NAHULOG DRIVER, 1 PA NALASOG

AMBULANCE-2

MT. PROVINCE – Binawian ng buhay ang driver at isang sakay nito makaraang mahulog sa bangin at sinasakyan nilang ambulansiya, nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Franklon Angawa, 37-anyos, driver, at Earole Kurt Akiate, 21, habang sugatan sina Rexton Abluyen Duyapat, 20; Nelda Joy Angawa Tapyugon, 23, social worker sa Hungduan Municipal Hospital, at Anabelle Attang, 32, nursing attendant ng nasabing ospital, pawang mga taga Hapao, Hungduan, Ifugao.

Batay sa report ng Bontoc Police Station, nangyari ang insidente sa Talubin, Bontoc, Mountain Province nitong Miyerkoles ng umaga habang patungo ang ambulansiya sa nasabing lugar para sa isasagawang cleansing ritual.

Bigla na lamang umanong nahulog sa bangin ang ambulansiya na naging dahilan ng pinsala sa katawan ng mga biktima.

Kaagad namang dinala sa Bontoc Municipal Health Office ang mga sugatan ngunit idineklarang patay na ang driver at isa pang biktima. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment