AMA PINATAY SA PANIS NA ALAK

ALAK-11
 AKLAN – Mistulang naburyong ang isang lalaki na pinatay sa taga ang kanyang ama makaraang inumin ang panis na alak, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Felix Teofilo Cawaling, 64-anyos, habang nadakip ang suspek na anak niyang si Joey Cawaling, 31-anyos, kapwa residente ng Brgy. Cabatanga, Makato, Aklan.
Batay sa report ng Makati Police Station, Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.
Lumabas sa imbestigasyon, nag-inoman ang mag-ama nang bigla na lamang nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito hanggang sa kumuha ng itak ang batang Cawaling at pinagtataga ang ama sa iba’t ibang parte ng katawan.
Agad dinala sa ospital ang matandang Cawaling ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Nabatid na ang iniinom na alak ng mag-ama ay ang mga natira sa kanilang ininom.
Dinakip ng nagrespondeng mga pulis ang suspek ngunit hindi nagsampa ng kaso ang pamilya  sa kasunduang hindi na siya uuwi sa kanilang bahay. (ANNIE PINEDA)
Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment