ABOGADO PINATAY SA HARAP NG KLIYENTE

NUEVA Ecija – Duguan at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang tanggapan ang isang abogado matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Atty. Bayani Dalangin, 73-anyos, at residente ng Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa report ng Talavera-PNP, dakong alas-7:15 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa loob ng opisina ng biktima sa Barangay Poblacion Sur, ng nasabing lalawigan.

Lumabas sa imbestigasyon, kasalukuyan nasa loob ng kanyang opisina ang biktima nang bigla na lamang pumasok ang suspek at walang babalang pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

Sinubukan pang dalhin sa Talavera General Hospital ngunit idineklara patay na.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment