AAGAWIN SI MAHAL; KARIBAL PINASLANG 

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng suspek na pinaniniwalaan karibal nito sa babaeng kanilang nililiyag habang nakatambay ang una sa labas ng kanilang bahay, kagabi sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Niño Aguilar, 39, ng B. Aranas Street, Brgy. Duljo Fatima, Mambaling, Cebu City.

Batay sa report ng Mambaling Police Station, dakong alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, nakatambay ang biktima sa labas nang dumating ang suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan na agad niyang ikinamatay.

Sinabi ng ina, bago ang insidente may nakaaway ang kanyang anak na isang alyas Gil, at nagbarilan ang mga ito dahil sa agawan sa babae, nitong Nobyembre 24.

Dahil dito, sinabihan ng ina ang biktima na huwag basta-basta maglalabas ng bahay dahil posibleng balikan ito ng suspek.

Nakuha naman mula sa suspek ang isang .38 kalibre na baril na 6 na bala.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek na tumakas.

 

Related posts

Leave a Comment