9 MANGINGISDA NAWAWALA SA DAGAT

OCCIDENTAL MINDORO1

(NI JESSE KABEL)

PATULOY na pinaghahanap  ngayon ang siyam na mangingisda na pumalaot sa nag-aalimpuyong dagat bunsod ng typhoon Quiel sa  Mindoro Island sakay ng dalawang fishing boat makaraang hindi makadaong mula noong Sabado.

Sa report na ipinarating sa local Office of Civil Defense , inabot ng malalaking  alon ang dalawang fishing vessel sa bahagi ng Mindoro Strait ang dalawang fishing boats makaraang pumalaot noong Nov, 4 at Nov. 5.

Araw ng Sabado dapat ay nakabalik na sa Mamburao ang mga bangka pero bigo silang makadaong.

Ayon sa pamilya ng mga  nawawala walang tigil nilang tinatawagan ang mga mangingisda subalit hindi sila ma-contact.

Patuloy din ang ginagawang pakikipag ugnayan  sa Philippine Coast Guard (PCG)  upang makapagsagawa ng search and rescue operations sa mga nawawalang F/B Marx Man At F/B  Ariana-Je, na naglalayag sa Mindoro Strait, ayon sa impormasyong ibinahagi ni  Bernard Mayo, secretary ng Tuna Fisherfolk Association.

Nabigo umano makauwi ang grupo isang araw matapos manalasa ang may limang metrong alon na sumira sa may 90 kabahayan at mga bangka sa kalapit na bayan ng  Paluan.

“Wala pa kaming contact… Sana maging ligtas pa sila hanggang ngayon dahil kawawa naman iyong mga nag-aalala sa kanila,” ani Mayo.

Related posts

Leave a Comment