81-ANYOS KUBRADOR NG STL PATAY SA VAN

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Todas ang isang 81-anyos na lalaking kubrador ng Small Town Lottery (STL) matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na van sa Maharlika Highway sakop ng bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito noong Lunes.

Sa report ng Atimonan police station, kinilala ang biktima na si Rolando Montejo Sr., residente ng Barangay Tagbakin.

Tumatawid ang biktima sa highway sakop ng nasabing barangay, bandang alas-6:20 ng gabi habang nangongolekta ng taya sa STL nang salpukin ito ng humahagibis na Toyota Hi-ace Commuter van na minamaneho ni Robert Dosdo, 42.

Tumilapon ang biktima sa lakas ng pagkakabangga at nagtamo ito ng grabeng pinsala sa katawan.

Isinugod sa Doña Marta Hospital sa kabayanan ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay sanhi ng malubhang kalagayan.

Nakakulong ang tsuper ng van sa Atimonan police jail.

 

Related posts

Leave a Comment