80-ANYOS NANAY SINAKSAK NG GUNTING NG ANAK

(NI SIGFRED ADSUARA0

IMBES na magpasalamat sa pagsisilbi sa kanya ng Ina, saksak ang tugon ng isang 50-anyos na lalaki sa matanda na nitong Ina nang  hindi nagustuhan ang pagkain na inihanda para sa kanya sa Dasmarinas City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa ospital sa Dasmarinas City ang biktimang si Eliza Edradan, 80, na nasa ligtas ng kalagayan  habang hawak na ng pulisya ang anak nitong si Edwin Edradan, may-asawa ng Blk 96 Zone 10, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmarinas City Police Station, dakong alas-7:30 Huwebes ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ina kung saan galing sa labas ang biktima at pagdating ng kanilang bahay ay naghanda ang matanda ng pagkain para sa kanyang anak na noon ay bagong gising at umano’y gutom na.

Pero imbes na pasalamatan ng anak ang paghahanada sa kanya ng ina ay nagalit pa ito dahil hindi niya nagustuhan ang inihanda para sa kanya kaya kumuha ng gunting at sinaksak sa tiyan ang kanyang Ina.

Isinugod ang biktima sa ospital habang inaresto naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek  na sinasabing may deperensiya sa pag-iisip at dating nagpagamot  sa mental hospital sa Trece Martires City.

Related posts

Leave a Comment