8-BUWAN NA BUNTIS HULI SA SHABU

cavite

(NI ROSS CORTEZ)

SA kulungan na aabutin ng panganganak ang isang walong buwang buntis na drug suspect, matapos masakote sa buy-bust operation pasado alas 10:00, Miyerkoles ng gabi

Nabatid na naging target ng buy bust operation ng Cavite Police Provincial Intelligence Branch ang suspek na si Shiela Abenir,39,ng Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City, Cavite.

Inaresto ang suspek matapos makabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang poseur buyer, bukod pa rito’y nakuhanan pa ng ilan pang pakete ng shabu ang suspek na nakalagay sa hawak nitong coin purse.

Nabawi rin ang P300 buy bust money, nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa sec 5 at 11 ng RA 9165, walang rekomendadong piyansa ang kasong kinakaharap nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment