76-ANYOS LOLO NA RAPIST, 2 PA, ARESTADO

ARRESTEDHAND12

(NI GINA BORLONGAN)

NAKORNER ng pulisya ang isang 76-anyos na lolo na nanrape sa isang ginang na may diprensya sa pag-iisip gayundin ang dalawang magkaibigang nanggahasa sa kanilang nalasing na kainuman sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City at bayan ng Bulakan, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Col.Chito G. Bersaluna, Bulacan police director,ang mga naarestong rapist na si Florentino Lopez,76, ng Barangay Bangbang, Bulakan at sina John Paul Sanchez,25 at kaibigan nitong si Angelo Francia, 35, kapwa ng Barangay Tugatog, Meycauayan City.

Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang Bulakan PNP sa over-all supervision ni P/Major Moner M. Orang, acting Chief of Police ng Bulakan Municipal Police Station, nang makatanggap ng reklamo hinggil sa panggagahasa ng lolong suspek sa isang 46-anyos na babae na may diprensya sa pag-iisip kaya kaagad silang nagsagawa ng police response sa Barangay Bangbang at madakip ang suspek.

Samantala, base naman sa report ni P/Lt.Col.Aquino Olivar, Meycauayan City police chief, kanilang inaresto ang dalawang suspek na sina Sanchez at Francia matapos nilang halinhinang ginahasa ang isang 20-anyos na babae na kanilang niyaya sa inuman sa Barangay Tugatog, ng nasabing lungsod at nang malasing ang biktima ay doon na nila ito ni-rape.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment