7 CHINESE NATIONAL TIMBOG SA ILLEGAL DREDGING

(NI JG TUMBADO)

TIMBOG ng pulisya ang pitong sinasabing undocumented Chinese nationals na nasa aktong nag-ooperate sa isang illegal dredging operations sa Masinloc, Zambales, nitong Miyerkoles.

Hindi na nakapalag pa nang makorner ng mga tauhan ng Masinloc police ang mga suspek na nakilalang sina Shao Shao Chen, Shinu Chen, Xie Yu Hong, Xiu Xiansheng, Zhao Yihung, Gong Yaan, at Jiang Xin.

Sinabi ni Police Maj. Jude Bryan Maguddayao, acting chief of police ng Masinloc, ang naturang mga Chinese ay pawang nasa loob ng warrior dredging vessel at ang ilan naman ay nasa sand carrier vessel na kapwa naka angkorahe sa isang local pier nang abutan ng mga awtoridad.

Nag ugat ang police operation sa lugar bunsod na rin ng ipinaabot na reklamo ng ilang mga residente.

Nabatid kay Maguddayao na lahat ng mga dinakip ay pawang walang mga visa at working permits.

Nakatakda namang iturn over ng pulisya ang pitong illegal aliens sa Bureau of Immigration (BI) para sa sampahan ng kaso at deportation process.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment