69-ANYOS RAPIST LOLO, ARESTADO

arrested123

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang 69-anyos na lolo na nahaharap sa tatlong bilang ng kasong panggagahasa nang madakip ng mga awtoridad sa ginawang opersayon, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang suspek na si Krisigono De Juan, ng Brgy. Caridad, Jamindan, Capiz at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Amaga, Sigma, Capiz.

Sa pinagsamang puwersa ng Jamindan Municipal Police Station at Sigma Municipal Police Station, dakong alas 9:00 ng umaga Agosto 13, nang madakip ang suspek sa Bgy. Amaga ng nasabing bayan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ignacio I. ALAJAR ng 6th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 20, Mambusao, Capiz noong Setyembre 14, 2012 sa 3 bilang ng kasong rape at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Jamindan Police Station si De Juan para sa dokumentasyon sa korte.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment