63-ANYOS NA LOLANG SASAMBA, UTAS TRAK

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

DEAD on arrival sa ospital ang isang senior citizen matapos mabangga ng pickup truck sa harap ng simbahan ng Iglesia Ni Cristo, sa Barangay Baguer, Libungan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Luzviminda Norilla Galvez, 63, balo, ng Sitio Baleleng ng naturang barangay.

Habang kinilala naman ang driver ng pick-up truck na nakabangga sa biktima na si Jhon Leo Tobias Reoma, 26, ng Barangay Presbitero, Pigcawayan.

Sa ulat ng Libungan PNP, patawid sana ang biktima para magsimba nang biglang mahagip ng humaharurot na Mitsubishi Strada na minamaneho ng suspek nasi Reoma pasado alas-7:00 ng umaga ng Linggo.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng mga bali sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kaagad na isinugod sa pagamutan si Galvez ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kalaboso na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong isasampa laban sa kanya.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment