6 SA ARMED ROBBERY GROUP, PATAY SA PAMPANGA 

armed robbery12

(NI GINA BORLONGAN)

ANIM na hinihinalang miyembro ng robbery group na kumikilos sa Pampanga at iba pang lugar sa Central Luzon ang napatay sa hiwalay na pakikipagbarilan sa pulisya  sa Apalit at Bacolor, Pampanga nitong Hunyo 13.

Dalawa sa apat na robbery hold-up suspects ang napatay ng mga pulis sa Brgy Cabetican, Bacolor, Pampanga makaraang mangholdap sa Shell gasoline station sa  Brgy. Sta. Ines at nakipagbarilan nang maharang habang lulan ng asul na Toyota Hi-lux pick-up truck (XTF628).

Kinilala ang dalawang napatay na sina Ariel Moguil, residente ng Mabalite Tadian, Mountain Province at Dexter Tinguey, 21, residente ng Bermuda Hills, Brgy. San Carlos, Baguio City. Nakatakas naman ang dalawang kasamahan nila lulan ng motorsiklo.

Makaraan ang ilang oras, nakipagbarilan sa mga pulis ang grupong lulan ng pulang Toyota Innova (NCF 4091) matapos holdapin ang  Alfamart sa Brgy. San Vicente, Apalit, Pampanga kaya napatay ang apat na hindi pa kilalang mga suspek.

“Due to quick police reporting, we were able to locate these lawless elements promptly and the necessary police action was conducted. One criminal off the street accords citizens with sound sleep and I continue to appeal to our public to continuously help us in this fight,” sabi ni PRO3 Regioal Director Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment