6 PULIS NAMBUGBOG SA DRUG SUSPECT, SINIBAK

pnp300

(NI JG TUMBADO)

SINIBAK na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang anim na pulis na isinasangkot sa pambubugbog sa isang lalaking drug suspect sa Cebu City.

Kasabay ng suspensiyon ay ang pag dis-arma sa hindi pa pinangangalanang pulis at pagsasailalim sa kanila sa kostudiya ng Personnel Holding and Accounting Unit sa Cebu City Police Office (CCPO) habang sila ay patuloy na iniimbestigahan.

Ang hakbang ni Albayalde ay kasunod ng pagkumpirma nito na pawang mga pulis ang nasa likod ng krimen batay na rin sa pag-iimbestiga ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP.

Una ng nag-viral sa social media ang video na kuha sa naganap na pananakit sa lalaki na tinukoy bilang si Eddie Basillote habang ito ay naglalaro ng video game sa isang shop sa Barangay Talamba, noong Abril 18.

Dito makikita na pinagsasampal, pinagsusuntok, sinipa at pinalo ng silya at baril si Basillote kahit ito ay nakaposas na.

Nabatid na ang pinsan ng lalaki ang nag upload ng video sa social media na nag viral.

Sinasabing walang bitbit na anumang warrant ang mga pulis na basta na lamang hinuli at sinaktan si Basillote na kasalukuyang nakadetine sa himpilan ng pulisya.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment