5 MAGKAKAKLASE NALUNOD

CAGAYAN – Nauwi sa trahedya ang paliligo sa ilog ng magkakaklase nang malunod ang lima sa mga ito sa bayan ng Camalaniugan sa lalawigang ito, iniulat noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nalunod na sina Jenny Mercado ng Brgy. Bukig Aparri; Florbeth Ruatos ng Brgy. Pakak, Aparri; May Tubol, Irene Tubol, kapwa residente ng Brgy. Mabanguc Aparri, at Bernadette Paet,  residente sa naturang lugar,  pawang mga estudyante ng Bukig National Agricultural and Technical School (BNATS) sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Batay sa report ng Camalaniugan Police Station, dakong hapon nang mangyari ang insidente sa ilog na sakop ng Brgy. Joaquin Dela Cruz, Camalaniugan, Cagayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, mayroon sanang dance practice ang mga biktima ngunit nagpasya silang magtungo sa ilog sa para maligo.

Paglusong ng mga ito sa ilog, bigla na lamang nalunod ang isa mga biktima.

Sa kagusutuhan matulungan ang kanilang kaklase, naghawak-hawak kamay ang apat para abutin ang nalulunod ngunit maging sila ay hinigop ng ilog.

Mabilis namang humingi ng tulong ang tatlo pang kaklase ng lima na nakaligtas, para iahon ang mga ito ngunit pagdating sa lugar ay wala nang mga buhay ang mga biktima. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment