5 ARESTADO SA EX-SOLON KILLING SA QUEZON

arrest22

QUEZON – Arestado sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lima katao na umano’y responsable sa pagpatay kay dating  Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza, sa driver at aide guard nito, sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joel Coronel, CIDG director,  lumalabas na may kinalaman sa trabaho ni Mendoza bilang abogado ang motibo sa krimen dahil isa sa mga inaresto ay nakalaban ni Mendoza sa usaping legal.

Hindi muna ibinunyag ng CIDG ang pangalan ng mga arestado.

Isa umano sa mga suspek ang siyang sumaksak at sumunog sa mga biktima.

Noong Enero 9 ng umaga nang matagpuan ang tupok na bangkay ni Mendoza, driver niyang si Ruel Ruiz at bodyguard niyang si Nicanor Mendoza sa loob ng sinunog na kotse sa gitna ng tulay sa Barangay San Francisco sa Tiaong, Quezon.

Magugunitang noong Enero 8, umalis ang mga biktima sa bahay ng dating kongresista sa Batangas City para magtungo sa isang kliyente sa Calamba City sa lalawigan ng Laguna. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment