5-ANYOS NABARIL NG 6-ANYOS NA PINSAN, PATAY!

GUN FIRE-2

(NI JESSE KABEL)

DEAD on arrival sa pagamutan ang limang taong gulang na batang babae matapos na aksidenteng mabaril ng anim na taong gulang na pinsang lalaki sa bayan ng Camalig, Albay,  sa ulat ng pulisya nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng PNP Region 5, naganap ang aksidente nang maiwan sa mesa ang kalibre .45 pistola na pag mamay-ari ng isang tauhan ng Philippine Army na ama ng batang nakabaril.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Camalig Municipal Police Station na nahawakan ng anim na taong gulang na bata ang baril na nakita sa ibabaw ng mesa at aksidente itong pumutok.

Nahagip naman ng punglo sa dibdib ang batang babae na sinubukan pang isalba sa pagamutan subalit binawian din nang buhay.

Ayon kay Police Master Sgt. Armando Revale, tagapagsalita ng Camalig Municipal Police,  ipinatago ng sundalo ang kanyang baril sa isang kamag-anak at inutusang alisan muna ito ng bala bago ilagay sa ligtas na lugar.

Hinala ng mga pulis, posibleng hindi marunong mag-unload ng bala ang kaanak kaya biglang pumutok ang baril nang makalabit umano ng bata.

Sinasabing maaring makasuhan ng grabeng kapabayaan ang sundalo na may-ari ng baril, ang ina ng bata at ang sinasabing kaanak na naatasang mag-unload ng baril.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment