5-ANYOS LUMUTANG SA IMBURNAL 

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG bola na nagpalutang-lutang sa imburnal ang isang limang taon gulang na batang lalaki makaraang mahulog ito sa tulay nang habulin umano ang nahulog nitong bola na nilalaro, sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si John Clark Ebua, ng Sitio Exoville, Barangay Basak-Pardo, Cebu City.

Batay sa report, naganap ang insidente nitong araw ng Sabado bandang alas 2:00 ng hapon kung saan naglalaro ang biktima ng bola kasabay ng pagbuhos ng ulan.

Napunta umano ang bola sa imburnal dahilan para habulin niya ito pero maging siya ay nahulog at dahil sa lakas ng buhos ng ulan, naging pahirapan ang paghahanap sa bata.

Kinabukasan ng Linggo, bandang alas 5:45 natagpuan ang bangkay ng bata sa Tagunol Bridge, sa nasabing bayan .

agpaalala naman ang mga awtoridad sa mga magulang ngayon panahon ng tag-ulan na huwag hahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa ulan lalo na ang mga menor de edad para maiwasan ang aksidente.

 

Related posts

Leave a Comment