4 VINTAGE BOMB NAKITA SA RIZAL

bomba12

(TEKSTO/PHOTO BY JC TUMBADO)

APAT na piraso ng ‘vintage bomb’ ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal.

Dagliang kinordon ng rumespondeng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office-Bomb Disposal Unit (RPPO-BDU) ang lugar sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael at ipinalayo ang mga residente na malapit sa pinagkatagpuan sa mga bomba dahil sa posibleng sumabog pa ang mga ito.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, isang tawag sa telepono mula sa Barangay ang kanilang natanggap kaugnay sa pagkakatagpo sa mga bomba nitong Biyernes ng umaga.

Sinasabing nahukay sa isang construction site ang apat na vintage bomb na posible pa umanong sumabog.

Nasa pangangalaga na ng RPPO-BDU ang narekober na mga bomba.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment