4 TUMAKAS SA PAMPANGA CHECKPOINT, PATAY

sta rita

(NI JG TUMBADO)

WALA nang buhay na bumulagta sa kalsada ang apat na lalaking lulan sa dalawang motorsiklo makaraang makipag barilan sa pulisya sa bayan ng Sta. Rita sa Pampanga.

Ayon kay Police Col. Rhoderick Armamento, directoral staff ni Police Brig. Jigs Coronel, hepe ng Bulacan police, naglatag ng checkpoint Martes ng madaling araw ang Sta Rita Police sa Brgy Gasak nang balewalain ito ng apat na lalaki na sakay ng dalawang  motorsiklo.

Pero sa halip na huminto,  humarurot umano ang mga suspek dahilan para habulin ng mga pulis.

Habang hinahabol bumunot ng baril ang isa sa mga naka motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis hanggang mauwi sa running gun battle.

Sinabi ni Armamento na wala pang pagkakakilanlan sa napaslang na mga suspek na hinihinalang nakatakdang mang holdap malapit sa lugar ng nailatag na check point.

Narekober sa lugar ng engkwentro ang tatlong kalibre 45 at isang kalibre 38.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment