4 SUNDALO, 6 PA PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO)

DEDBOL ang apat na sundalo gayundin ang anim na iba pa sa magkakahiwalay na aksidente sa Samar, Bohol at Isabela.

Maliban sa apat na sundalong namatay, tinatayang pitong indibidwal pa ang nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa national highway sa Barangay Apolonia, Paranas, Samar.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Police Col. Maria Delia Rentuaya, naganap ang aksidente dakong alas-9:00ng umaga ng Martes.

Sangkot sa insidente ang wing van truck, Hilux at traysikel.

Kabilang sa mga nasawi sina SSgt Crisostomo Gabuay; Sgt. Sherwin Antonio; Sgt. Romel Ombrog at 2nd Lt Sharefe Cabanog, mga miyembro ng Philippine Army.

Sugatan naman sina  Lt. Col. Edgar Allan Orbito, Sgt Abadiano, Mat Raymond Barante, Warren Dabut, Janica Obidos Baco, Jella Bacay Baccol, at Sheryl Sayasa Maurillo.

Samantala, dalawang motor rider ang namatay nang makasalpukan ang van sa national highway ng bayan ng Corella, Bohol nitong Lunes ng hapon.

Tinukoy ni Police Corporal Christopher Ramirez, Corella Police Station investigator, ang mga nasawi na sina Roniel Placa, 33, at Raymond Piyao, 25.

Galing umano sa birthday party at lasing ang dalawang biktima nang bumiyahe pauwi sa kabila ng pagpigil sa kanila ng mga kasamahan.

Habang binabagtas ang kalsada sa Barangay Canapnapan sa bayan ng Corella, nag-overtake umano ang dalawa ngunit nabulaga sa paparating na van na nasa kabilang linya. Sa lakas ng impact ay tumilapon ang dalawa mula sa kanilang sinasakyang motorsiklo.

Patay naman ang isang tricycle driver gayundin ang tatlo niyang pasahero nang sumalpok sa trak, Lunes ng hapon.

Napag-alaman mula kay Police Major Richard Babaran, Cabatuan police chief, ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sina Wilson Guillermo, 56; Jerry Yu, 61; Jahlen Acosta, 19; at Juanita Iglesia, 69.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-overtake umano ang trak na minamaneho ni Marvin de Guzman at umokupa ng kabilang linya ngunit hindi na nakaiwas sa paparating na traysikel.

Dead on the spot si Guillermo habang sa ospital na nasawi ang iba pang biktima. Sumuko na sa mga otoridad ang drayber ng trak na nahaharap sa mga kasong kriminal.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment