4 OPISYAL NG BIFF SUMUKO SA MAGUINDANAO

(NI NICK ECHEVARRIA)

APAT na top-ranking officials ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng paksiyon ni Kumander Bungos ang sumuko sa mga tauhan ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy Indatuan, Northern Kabuntalan, Huwebes ng  umaga.

Ayon kay Major Arvin Encinas, spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) kinilala ang mga sumuko bandang alas-8:40 na sina Ibrahim Odin, kumander ng 3rd Brigade ng BIFF 2nd Division at ang 1st Battalion Commander nito na si Diya Musa, kasama ang kanyang admin officer na si Daud Paglas, gayundin ang operation officer ng nasabing Battalion na nakilalang siYasser Abunawas, na anak ni Abunawas Damiyog.

Kasamang isinuko ng apat na matataas na opisyal ng BIFF ang (1) Barrett rifle, (1) M16 rifle, (1) Rocket-Propelled Grenade, (1) Improvised Explosive Device, at mga bala.

Nasa  headquarters ngayon ng 34th IB ang apat kasama ang kanilang mga armas na isinuko para sa kaukulang disposiyon.

Patuloy naman ang militar sa paghikayat sa mga miyembro at maging sa mga hardcore fighters ng BIFF na sumuko na sa gobyerno para magbagong buhay at samantalahin ang sersyosong kampanya ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong o peaceful mechanisms sa mga nagbabalik- loob.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Wesmincom na, “Peace entails inclusive and participative solutions that we deem it necessary to involve and convince rebels to return to the fold of the law. With our success, we think this is an effective resolution, and we mean to sustain this campaign.”

 

Related posts

Leave a Comment