4 NALASON SA MUSHROOM 

(NI ANNIE PINEDA)

ISINUGOD sa ospital ang apat na lalaki matapos umanong malason sa kinain nilang kabute, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Bacolod City.

Patuloy na inoobserbahan sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang mga biktima na kinilalang sina Jospeh Hagdasal, 29, ng Brgy. Handumanan, Bacolod City; Jon Rey Mondejar;  Gino Mondejar , ng Brgy. 16, Bacolod City at Noli Alcansari, 43, ng Brgy. San. Isidro, Calatrava.

Batay sa report, bandang alas-10:00 ng umaga ng Sabado, magkakasama ang apat at kumain ang mga ito ng kabute subalit makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang silang nakaranas ng pagkahilo.

Sa pag-aakalang, simpleng hilo lamang, pero ilang minuto lamang nakaramdam na ng matinding pananakit ng tiyan at nagsusuka.

Agad naman dinala sa nasabing ospital ang mga biktima para lapatan ng lunas.

Sinusuri na ng doktor ang kabute para alamin ang tunay na dahilan ng pagkalason ng mga biktima.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment