4 MIYEMBRO NG PAROJINOG GROUP PATAY SA ENCOUNTER

cebu mandaue12

APAT na pinaghihinalaang miyembro ng kilabot na Parojinog group na sinasabing malaking sindikato ng droga ang napatay sa magkakahiwalay na insidente, Biyernes ng gabi sa Mandaue, Cebu.

Isang Jessie Parojinog, alyas ‘Oyong’, ang napatay matapos umanong manlaban sa mga aarestong pulis sa Barangay Tingub. Isinugod pa siya sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nakatakas naman ang kasama nito.

Sa Barangay Looc, patay din sina Henry Labajo at Eduard Baliling nang pumalag habang inaaresto. May warrant of arrest ang mga ito dahil sa illegal possession at pagbebenta ng illegal na droga.

Isa pang kinilala sa pangalang Danilo Parojinog ang napatay ng hindi pa kilalang suspect na sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Police Major Mercy Villaro, spokesperson ng Mandaue City Police Office, na ang pagpatay ay may kinalaman umano sa mga miyembro ng Ozamis-based Parojinog group na matagal nang isinasangkot sa illegal drug trade.

Nakatira umano ang mga napatay sa Mandaue City, Cebu sa kabila ng matagal nang warrant sa illegal drugs at robbery.

Nauna nang idinawit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Parojinog sa illegal na droga.
Ilang miyembro na rin ng pamilya ang napatay sa police raid noong Hulyo 2017.

 

 

Related posts

Leave a Comment