4 MENOR DE EDAD NA SHABU COURIER, NASAGIP

shabu12

(NI JG TUMBADO)

NASAGIP sa isinagawang operasyon ng Cebu City Police Office (CCPO) ang apat na menor de edad na ginagawang drug courier ng sindikato.

Ito ay kasunod ng ginawang raid ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Mambaling Police Station sa Sitio Puntod sa Barangay Mambaling, Miyerkoles ng gabi, matapos makatanggap ng sumbong na may mga batang pinagdadala ng ilegal na droga sa lugar.

Ang nailigtas na mga bata ay nasa pagitan ng edad 12 hanggang 15 anyos.

Sa naturang operasyon ay nakuha sa mga biktima ang nasa 63 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P24,000.

Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, hepe ng Mambaling Police Station, ang apat na menor de edad ay hindi residente ng barangay.

Umamin ang isa sa mga bata na binabayaran sila ng P600 kada araw bilang drug couriers.

Tukoy naman na ng mga awtoridad ang partikular na grupo na nasa likod ng eksploytasyon sa mga batang biktima.

Related posts

Leave a Comment