4-ANYOS PATAY SA SUNOG

fire

(NI KIKO CUETO)

ILOILO CITY — Hindi pinalad ang isang 4-taong gulang na batang lalaki nang mamatay dahil sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Iloilo City Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Daniel John Peralta, na nakita ng mga bumbero sa loob ng banyo.

“Duda kami na sarado ang pintuan kaya hindi siya nakalabas,” ani Iloilo City fire marshal Christopher Regencia.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagsimula ang sunog pasado alas-9 ng gabi ng Martes at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang tatlong bahay.

Nakaligtas ang mga magulang at dalawang kapatid ni Peralta. Ayon sa kanila, mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi nila namalayan na naiwan ang bata.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog habang tinatayang nasa P75,000 ang danyos nito. 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment