300 BAHAY NATUPOK SA POSPORO

CEBU – Umabot sa 300 bahay ang nasunog sa Barangay Ibabao Estancia sa Mandaue City.

Nanagyari ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali noong Sabado.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng ulat ang Mandaue City Fire Department hinggil sa nangyaring sunog kaya agad silang nagresponde.

Magkakadikit-dikit umano ang mga bahay at makipot ang daan kayat nahirapan ang mga bombero at fire truck.

Napag-alaman, ilang mga fire volunteer ang kinailangang umakyat sa bubong para maapula ang sunog.

Gawa sa light materials ang mga bahay kaya madaling natupok ang mga ito.

Sa imbestigasyon ng fire department, nagsimula ang sunog sa pinauupahang bahay ng isang Ruel Mantos na may mga bata umanong naglalaro ng posporo.

Lahat ng mga naapektuhan ng sunog ay kasalukuyang nanunuluyan sa gym ng barangay. (KIKO CUETO)

 

Related posts

Leave a Comment