3 TULAK HULI SA P.5-M SHABU

shabu kulong 12

ANTIPOLO City – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit at Intelligence Section ng Markina City Police Station (CPS) ang tatlong suspek makaraang mahulihan ng P510,000  halaga ng umano’y ilegal na droga sa Brgy. Pagrai sa lungsod na ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na nadakip sa ikinasang buy-bust operation bandang alas-10:20 ng gabi sa Unit no. 402 ng Elaine Tower sa nasabing Barangay na sina Rolado Estrada y Santos, 41; Francis Bon  y Otomores, 22,  at  Nazarene Adornado y Martinez, 34-anyos.

Nakumpiska sa tatlong suspek ng mga tauhan ng Marikina CPS,  na pinangunahan nina P/Lt. Ramiel Soriano at P/Lt. Elmer Rigonon, ang tatlong sachet at isang cellophane ng hinihinalang shabu na may bigat na 75 gramo at katumbas ng halagang P510,000.

Kasama sa mga nakumpiska mula sa mga suspek ang P6,000  buy-bust money at isang digital weighing scale.

Nakakulong na sa Marikina CPS custodial facility ang mga suspek habang itinurn-over naman sa Eastern Police District Crime Laboratory ang nakumpiskang ilegal na droga  para sa kaukulang pagsusuri. (NICK ECHEVARRIA)

Related posts

Leave a Comment