3 PULIS SINIBAK SA PAGLALARO NG GOLF

PULIS-2

TATLONG police senior officers ang sinibak sa puwesto  matapos paulit-ulit na mahuling naglalaro ng golf habang naka duty.

Pawang mga nakatalaga sa Central Visayas ang tatlong police colonel na inalis sa kanilang puwesto.

Ipinag-utos ni Philippine National Police chief, P/Gen. Francisco Archie Gamboa ang pagsibak kina Police Col. Dennis Artilna, nakatalaga sa Central Visayas bilang regional comptroller, Police Lt. Col. Richard Badang, ng PNP Central Visayas Police Regional Office 7 Finance, at Police Lt. Col. Glenn Mayam, hepe ng PNP-PRO7 Drug Enforcement Group.

Nilinaw ni Gen. Gamboa na mahigpit ang tagubilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa pagtupad sa tungkulin ng mga pulis lalo na ang mga opisyal na naglalakwatsa.

Matagal nang ipinagbawal ang paglalaro ng golf ng mga pulis mula Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng oras, ayon kay Gamboa.

Nabatid na inilagay muna sa floating status ang tatlo at inilipat sa PNP General Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City para sa kahaharapin nilang kasong administratibo.

Sinasabing ilang beses nang pinaalalahanan ang mga ito na bawal ang maglaro ng golf kapag weekdays ngunit paulit-ulit silang sumuway. (JESSE KABEL/NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment