3 PULIS NAAKTUHANG TULOG SA PRESINTO, SINIBAK  

PNPLOGO1

(NI JG TUMBADO)

PINAGSISIBAK sa puwesto ang tatlong pulis na nakatalaga sa Catmon at Sogod Municipal police station sa probinsya ng Cebu dahil bukod sa nahuling mahimbing na natutulog habang nasa kalagitnaan ng kani-kanilang duty ay hindi pa akma ang pagsusuot ng kanilang police uniform.

Ang pagkakasibak sa tatlong pulis ay base sa mismong utos ni Police Colonel Roderick Mariano, director ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), kasabay ng paghahain ng kasong administratibo laban sa mga ito.

Ayon kay Mariano, pinagsusumite rin nito ang hepe ng Catmon at Sogod police ng kanilang paliwanag patungkol sa pangyayari at maging ng mga “performance” sa kanilang mga tauhan.

Ang pangyayari ay nadiskubre lamang ng ipadala ni Mariano si Police Lt. Col. Melbert Esguerra, deputy provincial director for administration, na magsagawa ng random inspection sa lahat ng police stations nitong Linggo ng madaling araw.

Pansamantalang mananatili ang hindi na pinangalanang mga pulis sa personnel holding and accounting unit (PHAU) ng CPPO habang nagpapatuloy pa ang pagdinig sa kanilang mga kaso ng Internal Affairs Division.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment