3 MIYEMBRO NG HOLDUP GANG PATAY SA ENCOUNTER

batangas12

(NI JG TUMBADO)

PATAY sa pakikipagbarilan sa pulisya ang tatlong lalaki na umano’y mga miyembro ng notoryus na robbery hold up group sa Malvar, Batangas, araw ng Sabado.

Kapwa wala nang buhay na bumulagta sa isang madilim na eskinita sa Barangay Luta Sur ang hindi pa nakikilalang mga suspek na tinatayang nasa edad 30 hanggang 35.

Nakatakas naman ang isa nilang kasamahan sa gitna ng engkwentro at subject ngayon ng follow up operation.

Ayon kay Police Captain Kermin Amor Cabrales, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Batangas Provincial Police Office (BPPO), bago ang shootout ay nakapang-holdap muna ang mga suspek sa isang gasolinahan sa Barangay Bugtong sa Lipa City bago mag-ala 1:00 ng madaling araw.

Nang makarating ang insidente ng holdapan sa pulisya ay agad nagkasa ng checkpoint sa bahagi ng Malvar.
Pero hindi umano huminto ang mga suspek nang harangin ng mga pulis bagkus ay pinaputukan pa sila ng mga Ito.

Nagkaroon na ng running gunbattle ang magkabilang panig hanggang umabot sila sa bayan ng Lipa at nang makorner sa naturang eskinita ay doon na tuluyang napaslang ang mga suspek.

Nakuha sa tabi ng kanilang bangkay ang tatlong .45 baril, ilang piraso ng basyo ng bala at dalawang motorsiklo na ginagamit sa kanilang modus.

Nabatid pa sa report na ang napatay na mga suspek ay isinasangkot sa ilang mga serye ng nakawan at holdapan sa Batangas at Laguna.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment